9 tauhan ng solon, nagpiyansa
TUGUEGARAO CITY, Philippines - Siyam na kataong sinasabing mga guwardiya sa kapitolyo ng Isabela ang pansamantalang nakalaya matapos piyansahan ni Isabela Vice Governor at ngayon ay Congressman-elect Rodolfo “Rodito†Albano sa korte kamakalawa.
Naglagak ng P522,000 property bond si Albano kay Cabagan, Isabela RTC Judge Felipe Torio para sa kalayaan ng mga tauhan nitong sina Gilmar Belleza, 29; Vicente Bassig, 20; Alvin Chavez, 22; Bobby Antonio, 47; Charles Calamba, 35; Gilmon Beran, 33; Pio Agustin, 46; Oliver Pira, 31 at Antonio Paguirigan 53 ; pawang mga taga San Pablo, Isabela.
Sinasabing nakatalaga sa pamahalaang panlalawigan ng Isabela ang mga akusado bilang mga guwardiya nang damputin ito ng mga pulis sa karatig lalawigan ng Cagayan sanhi ng paglabag sa gunban kamakailan.
Nasamsam mula sa mga ito ang dalawang cal. 45 pistol, isang 357 Smith and Wesson magnum revolver, isang armscor cal. 9mm Pistol, isang M16 Armalite rifle, isang Ingram 9mm submachine gun at ibat ibang uri ng mga bala. Sinabi naman ni Albano, nagresponde lamang ang mga guwardiya niya sa mga putukang narinig malapit sa kanyang rancho nang matiyempuhan ang mga ito ng mga awtoridad ng Cagayan sa lugar.
- Latest