Army troops vs NPA: 1 rebelde utas, 2 tiklo
MANILA, Philippines - Umiskor ang tropa ng militar matapos na mapaslang ang isang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang dalawa pa ang nadakip kabilang ang isang sugatang menor-de-edad kaugnay ng nasilat na pag-atake sa mga VIPs na dadalo sa oath taking ng mga nagwaging kandidato sa Laak, Compostela Valley kamakalawa.
Ayon kay Col. Buenaventura Pascual, Commander ng Army’s 1003rd Brigade, isinumbong ng mga residente sa militar ang presensya ng mga armadong rebelde na nagresulta sa apat na beses na bakbakan na nag-umpisa bandang alas-8:40 ng uÂmaga sa Brgy. Longanapan ng bayang ito.
Nagsiatras naman ang mga rebelde matapos ang 20 minutong bakbakan na nasundan ng tatlo pang engkuwentro sa mga karatig nitong barangay sa loob ng 8 oras matapos na tugisin ng mga sundalo ang mga kalaban.
Sinabi ni Pascual na isang rebelde ang napatay sa bakbakan na kinilalang si Emat Andoy alyas Ka Ian habang dalawa naman ang naaresto, isa rito ay umiiyak na menor-de-edad na binatilyo na bagong recruit umano ng NPA rebels.
Ang mga nasakote ay nakilalang sina alyas Ka JunJun, ang meno-de-edad na may hawak pang AK 47 automatic rifle ng masukol ng mga sundalo at Arnel Roble alyas Ka Dindo habang nakasamsam rin ng mga armas, bala, eksplosibo saka mga subersibong dokumento.
Inihayag pa ng opisyal na dahilan sa serye ng bakbakan ay napigilan ng mga sundalo ang planong pag-atake ng NPA rebels sa pagtitipon sa bayan ng Laak ng mga iprinoklamang kandidato sa lalawigan kung saan dadauhan ito nina Governor Arturo Uy at Vice Governor Manuel “Way Kurat†Zamora.
- Latest