FM radio station pinagbabaril
MANILA, Philippines - Ginulantang ng sunud-sunod na pagpapaulan ng bala ang isang FM radio station na pag-aari ng isang prominenteng negosyante sa Brgy. Central, Dipolog City, Zamboanga del Norte kamakalawa.
Sa ulat ni Supt.Joven Parcon, hepe ng Dipolog City Police, bandang alas-7:30 ng umaga ng dumulog sa kanilang himpilan si Engineer Franklin Lim alyas Akao, nasa hustong gulang, negosyanteng may-ari ng 88.9 DXFL FM radio station na matatagpuan sa kahabaan ng Rizal Avenue St., Brgy. Central sa lungsod.
Ayon kay Lim, dakong alas-2:30 ng madaling araw ng bigla na lamang gulantangin ang kaniyang FM radio station ng sunud-sunod na pagpapaputok mula sa hindi pa nakilalang mga armadong suspek na ikinabasag ng salamin ng himpilan na umabot ang pinsala sa announcer’s booth.
Wala namang iniulat na nasawi at nasugatan sa insidente bagaman lumikha ito ng maÂtinding takot at pagpapanik sa mga empleyado ng naturang FM radio station.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang 13 basyo at nadepormang bala ng cal.45 pistol at patuloy rin ang pagsisiyasat sa kaso.
- Latest