^

Probinsiya

Bunso tinodas ng kuya

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang alitan sa lupaing minana sa kanilang mga magulang ang isa sa motibo kaya binaril at napatay ang 33-anyos na lalaki ng sariling kapatid na magsasaka sa Barangay Madduang, bayan ng Kabuga, Apayao kamakalawa. Napuruhan sa mukha ang biktimang si  Donald Balatoc habang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Nolie Balatoc, 44, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Sa ulat ni P/Supt. Davy  Vincent Limmong na nakarating sa Camp Crame Police, katatapos lamang magpiknik sa Madduang River ng pamilya Balatoc at papauwi na sana nang barilin ang biktima ng  kanyang kapatid na nakatatanda. Sa impormasyong nakalap ng pulisya, lumilitaw na may kinikimkim na galit ang suspek sa biktima dahil sa malaking bahagi ng kanilang lupaing sakahan ay ipinamana ng kanilang mga magulang.

vuukle comment

APAYAO

BALATOC

BARANGAY MADDUANG

CAMP CRAME POLICE

DONALD BALATOC

KABUGA

MADDUANG RIVER

NAPURUHAN

NOLIE BALATOC

VINCENT LIMMONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with