^

Probinsiya

3-anyos dedo sa kuryente

Freeman News Service - Pilipino Star Ngayon

CEBU CITY , Philippines   â€“ Masyadong maaga ang salubong ni kamatayan laban sa 3-anyos na totoy matapos itong makur­yente sa washing machine sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Sibagay, Barangay Cantabaco sa Toledo City, Cebu noong Biyernes. Naisugod pa sa Toledo City Hospital, subalit idineklarang patay si James Caryl Reyes Camocamo. Sa ulat ni  SPO1 Thule Tahadlangit, nagising ang biktima kung saan lumapit sa pintuan ng kanilang bahay na kinalalagyan ng washing machine. Dito nahawakan ng biktima ang talop na linya ng kuryente ng washing machine na nakaligtaan naman ng kanyang mga magulang na alisin ang plug. Nagkikisay ang biktima kung saan nagising naman ang kanyang mga magulang at naisugod sa ospital. Pinag-aaralan naman ng pulisya ang pananagutan ng mga magulang sa pagkamatay ng kanilang anak dahil sa kapabayaan.

vuukle comment

BARANGAY CANTABACO

BIYERNES

CEBU

DITO

JAMES CARYL REYES CAMOCAMO

SITIO SIBAGAY

THULE TAHADLANGIT

TOLEDO CITY

TOLEDO CITY HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with