^

Probinsiya

Sulu PNP director, sinibak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Sinibak na sa puwesto ang PNP director ng Sulu matapos na mabigong kontrolin ang peace and order partikular na noong araw ng eleksyon na kumitil ng buhay ng lima-katao.

Sa press briefing sa Camp Crame, inianunsyo kahapon ni PNP Chief Director Alan Purisima ang pagsibak kay Sulu PNP director P/Senior Supt. Antonio Freyra.

Pansamantalang pumalit kay Freyra si P/Senior Supt. Robert Kuinisala, directorate for administration ng PNP sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ang pagkakasibak kay Freyra ay bunga ng kaguluhan sa Tongkil Island noong kasagsagan ng eleksyon matapos na magwala ang mga armadong grupo na sumusuporta sa magkalabang kandidato na sangkot sa rido bukod pa sa presensya ng Abu Sayyaf Group.

Bunga ng insidente ay ipinul-out ang puwersa ng pulisya at ipinalit ang tropa ng Philippine Marines na nakipagsagupa sa mga armadong grupo na ikinasawi ng apat.

Bukod dito, isa naman ang nasawi sa bayan ng Panglima Estino, Sulu matapos na pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan ang mga botante na sumusuporta sa mayoralty candidate habang patungo na sana sa polling center.

Samantala, nagtungo na si Kuinisala sa Sulu lulan ng naval ship ng Philippine Navy kasama ang 100 ope­ratiba ng Regional Police Safety Battalion upang tumulong sa tropa ng Philippine Marines na maibalik ang kaayusan sa Tongkil Island.

ABU SAYYAF GROUP

ANTONIO FREYRA

AUTONOMOUS REGION

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR ALAN PURISIMA

FREYRA

MUSLIM MINDANAO

PHILIPPINE MARINES

SENIOR SUPT

TONGKIL ISLAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with