^

Probinsiya

3-dekada ng mga Gordon sa Gapo, pinutol ni Paulino

Alex Galang - Pilipino Star Ngayon

OLONGAPO CITY, Philippines  â€“ Nag­laho ang pamamayagpag ng mga Gordon sa larangan ng politika sa Olongapo City makaraang pataubin sa landslide victory sa mayoralty race ni incumbent Vice Mayor Rolen Paulino ang maybahay ni Mayor James Bong Gordon Jr. sa katatapos na mid term elections noong Lunes.

Sa session hall ng Sangguniang Panglungsod, iprinoklama ni City Board of Canvassers Chairman Atty. Dictador Untayao si Rolen C. Paulino bilang bagong alkalde ng Olongapo matapos makopo ang kabuuang 40,664 boto laban kina Anne Marie Gordon na may botong 27, 646 at Bugsy Delos Reyes (pamangkin ni Dick Gordon) na may botong 10, 093.

Si Paulino ng Sulong Zambales Party, Nationalists People’s Coalition ang umukit sa kasaysayan ng politika na nagpatigil sa mga Gordon sa loob ng 30 taon pamamayagpag bilang alkalde sa nasabing lungsod.

Landslide victory din sa congressional race sa unang distrito ng Zambales ang kaalyado at kapartido ni Paulino na si ex-Subic Mayor Jeffrey Khonghun laban kay Olongapo City Mayor James “Bong” Gordon ng Olongapo City

Samantala, naging mata­tag si Zambales Governor  Jun Ebdane matapos talunin nito si ex-Governor Amor Deloso sa governatorial race.

Nanalo rin sa mayoralty race ang anak ni Gov. Ebdane na si Rundstedt Ebdane sa bayan ng Iba, Zambales laban kay Adhebert Deloso na anak naman ni ex-Gov. Amor Deloso.

Sa congressional race naman ay tinalo ni Cheryl Deloso si Rep.Omar Ebdane sa 2nd district ng Zambales.

ADHEBERT DELOSO

AMOR DELOSO

ANNE MARIE GORDON

BUGSY DELOS REYES

CHERYL DELOSO

CITY BOARD OF CANVASSERS CHAIRMAN ATTY

DICK GORDON

GORDON

OLONGAPO CITY

ZAMBALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with