^

Probinsiya

Alcala, Castillo nalo sa Quezon

Tony Sandoval at Michelle Zoleta - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Quezon, Philippines – Sa pagkakataong ito ay hindi na korte ang nagpasiya, pinagkalooban ng mandato ng 50,794 mga botante sa Lucena City si Mayor Ro­derick Alcala upang manungkulan sa loob ng tatlong taon matapos na manalo sa nakalipas na eleksyon.

Tinalo ni Alcala si ex-Mayor Ramon Talaga Jr. habang nanalo rin ang vice mayoralty bet ng Liberal Pary na si Philip Castillo laban sa anak ni Talaga na si Vice Mayor Ramil.

Sa harap ng nagbubunyi ng mga supporter sa Session Hall ng Sangguniang Pang­lunsod, pormal na iprinoklama ng Board of Canvassers si Alcala bilang nanalong alkalde.

Nagkaroon pa ng tensyon nang pigilang iproklama ng Comelec si Castillo dahil sa kwestiyun ng mga abogado ng kalaban nito at nagsa­bing dadalhin sa bayan ng Cabuyao, Laguna ang usapin subalit hindi pumayag ang mga supporter ni Castillo.

Gayon pa man, naiproklama rin si Castillo kasama ang sampung konsehal na sina Anacleto Alcala III, Danny Faller, Atty. Sunshine Abcede, Americo Lacerna, William Noche, Felix Avillo, Atty Rey Oliver Alejandrino, Benito Brizuela, at si Vic Paulo.

Noong Nobyembre 2012 ay inatasan ng Korte Suprema si Alcala na okupahin ang puwesto ng alkalde dahil sa may teknikalidad ang pagkakaupo ni Barbara Ruby Talaga na asawa ni Ramon.

Parang tabak naman ni Damocles ang humaplit sa pamilya Talaga dahil lahat ng mga kaanak nila ay pawang natalo sa nakalipas na eleksyon.

Si Romano na anak ni Ramon at Ruby ay natalo ni Sam Nantes sa vice governatorial race habang si Ruby naman ay tinalo ni Vicenre Alcala sa congressional race sa 2nd district.

ALCALA

AMERICO LACERNA

ANACLETO ALCALA

ATTY REY OLIVER ALEJANDRINO

BARBARA RUBY TALAGA

BENITO BRIZUELA

BOARD OF CANVASSERS

DANNY FALLER

FELIX AVILLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with