^

Probinsiya

Suporta ng gobyerno kailangan ng agri - Enrile

Pilipino Star Ngayon

CAGAYAN, Philippines - Kailangan nang iangat ang kalagayan ng mga magsasaka di-lamang para sa sariling pa­ngangailangan kundi pati na rin sa pangangailangan ng kanilang mga komunidad.

Ito ang pahayag ni senatorial bet Rep. Jack Enrile ng United Nationalist Alliance (UNA) kaugnay sa layunin ng pamahalaan na makamit ang kasapatan sa bigas kung saan puntirya ng gobyerno na makaani ng 20 milyong metric tons ng bigas sa 2013.

“Ang ekonomiya ng bansa ay pinatatakbo ng agrikultura subalit nakapagtataka kung bakit hindi sapat ang panahon na ibinibigay ng pamahalaan kung saan marami pa rin sa magsasaka ang makaluma ang pamamaraan ng pagtatanim kaya sila apektado ng climate change at monopolyang kalakalan, “ pahayag ni Enrile

Sinabi rin ni Cagayan Rep. Enrile na kailangan magkaroon nang sistema na makakaasa ang mga magsasaka ng pautang na mababa ang interes, subsidiya at skills traning at scholarship.

Naunang nang iminungkahi rin ni Enrile ang pagsa­sama ng mga agronomy subject sa mga paaralan upang mabigyan pa ng malawak na atensyon ang agrikultura.

“Dapat ibigay ng diretso sa mga food producer ang malaking bahagi ng conditional cash transfer ng pamahalaan upang makatulong ito nang husto sa mga magsasaka,” dagdag pa ni Enrile. Magugunita na inihain ni Rep. Enrile sa Kongreso ang HB 4626 o ang Food for Filipinos First Act kung saan nakasaad ang master plan kung paano makakamit ng bansa ang kasaganaan sa pagkain, pagpapalakas ng agri, at ang pagsugpo ng gobyerno sa mga export product dahil hadlang ito sa ‘di-pantay na kumpetisyon at talo ang mga local food producer.

vuukle comment

CAGAYAN REP

DAPAT

ENRILE

FILIPINOS FIRST ACT

JACK ENRILE

KAILANGAN

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with