^

Probinsiya

2 negosyante itinumba

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa dalawang negosyante matapos  ang mga itong pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa Brgy. Sto. Cristo, San Jose del Monte City, Bulacan kahapon ng umaga.

Namatay sa pinangyarihan ng krimen ang mga biktimang sina  Balwinder Singh 24,ng Tabaco , Albay habang dead-on-arrival naman sa pagamutan ang isa pa na si Girlie Demarin, 35 ng Brgy. Kaypian sa lungsod na ito.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Supt. Joel Estais, bandang alas-10:15 ng umaga habang nag-uusap ang dalawang biktima sa loob ng Northridge Subdivision ng biglang sumulpot ang mga salarin na magkaangkas sa motorsiklong Honda (HL -7448 ) saka pagbabarilin ang mga ito.

Ang mga biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala ng cal. 45 pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan na siyang kumitil sa buhay ng mga ito. Iniimbestigahan na ang motibo ng krimen.

ALBAY

BALWINDER SINGH

BRGY

BULACAN

GIRLIE DEMARIN

JOEL ESTAIS

MONTE CITY

NORTHRIDGE SUBDIVISION

SAN JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with