^

Probinsiya

Vice mayor nanunutok ng botante, arestado

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Inaresto ng mga operatiba ng pulisya ang incumbent vice mayor sa bayan ng Sta. Maria, Isabela matapos itong manutok ng baril sa isang botante habang nagsasagawa ng house to house campaign sa Brgy. Bangad sa lungsod na ito kahapon ng umaga.

Kinilala ni Isabela Police Spokesman Supt. Narciso Paragas ang inaresto na si Vice Mayor Gilbert Masigan na tumatakbong alkalde laban sa kanyang sariling pinsan na si incumbent Mayor Omar Masigan.

Si Masigan ay dina­kip ng mga operatiba ng pulisya na nagsasagawa ng security operation sa lugar matapos itong ireklamo ng botanteng si Jerry Manuigad.

Sa imbestigasyon, sa kasagsagan ng panga­ngampanya kahapon ng umaga ng bise alkalde ay nairita ito ng salungatin ni Manuigad ang mga inihahain niyang programa kapag nagwagi sa halalan sa darating na Mayo 13.

Nabatid na umabot pa sa sigawan ang pagtatalo ng dalawa hanggang mapikon ang naturang kandidato at tutukan ng baril si Manuigad na mabuti na lamang at naagaw rito ang baril ng mga nakapalibot na pulis.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comelec gun ban ang lokal na opisyal.

 

BANGAD

BRGY

ISABELA POLICE SPOKESMAN SUPT

JERRY MANUIGAD

MANUIGAD

MAYOR OMAR MASIGAN

NARCISO PARAGAS

SI MASIGAN

VICE MAYOR GILBERT MASIGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with