11 anyos may sakit na epilepsy, nag-suicide
NUEVA ECIJA, Philippines – Dahilan umano sa dinaranas na matinding depresyon, isang bakasyunistang 11 anyos na batang lalaki na maysakit na epilepsy ang nagpatiwakal matapos itong magbigti sa Brgy. Bagumbayan, Llanera ng lalawigang ito kamakalawa ng tanghali.
Kinilala ng Llanera Police ang biktima na si June Dominguez, isang incoÂming grade 6 pupil ng Brgy. Nagcuralan, Cuyapo ng lalawigan ring ito.
Sa imbestigasyon, nabatid na tatlong araw pa lamang na nagbabakasyon ang biktima sa bahay ng kanyang tiyuhin na si Marlon Baltazar sa naturang lugar nang matagpuan itong wala nang buhay, bandang alas-11:40 ng tanghali noong Biyernes.
Ang biktima ay natagpuang may nakapulupot na nylon cord na gamit sa duyan sa leeg malapit sa bahay kubo ng tiyuhin nito.
Napag-alaman sa mga kaanak ng biktima na may sakit itong epilepsy na maaaring naging dahilan ng bata para wakasan nito ang kanyang buhay.
Samantala, hindi naman kumbinsido ang pulisya sa dahilang basta na lamang nagpakamatay ang biktima dahil sa sakit nitong epilepsy.
Hiniling ng mga awtoridad sa pamilya ng bata na isailalim ito sa awtopsiya upang mabatid kung walang foul play sa sinasabing pagpapakamatay nito.
- Latest


















