30 tiklo sa shabu tiangge
MANILA, Philippines - Umaabot sa 30-katao kabilang ang limang tinedyer na babae ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang operasyon sa shabu den sa San Pablo City, Laguna kahapon ng umaga. Ayon kay P/Senior Supt. Pascual Muñoz, Laguna PNP director, nagsimula ang raid dakong alas-5:30 ng umaga sa natukoy na shabu tiangge sa Sitio Trianggulo, Barangay II at II B sa nasabing lungsod. Bago ang pagsalakay ay isinailalim sa surveillance operation ang naturang lugar matapos na makatanggap ng impormasyon na talamak ang bentahan ng shabu sa nasabing barangay. Sa bisa ng 10-warrant of arrest na isinilbi ng mga operatiba ng pulisya ay nasamsam ang pitong malalaking plastic sachet na naglalaman ng shabu.
- Latest