^

Probinsiya

Bahay ng mayor grinanada

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Niyanig ng pagsabog ng granada ang bahay ni Bugallon Mayor Rodrigo Orduna  na sinasabing isiniwalat ang pagkakadawit sa jueteng ni Pangasinan Governor Amado Espino sa naganap na insidente sa bayan ng Bugallon, Pangasinan kahapon ng mada­ling araw.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Ryan Manongdo na nakarating sa Camp Crame,  bandang ala-1:35 ng madaling-araw ng yanigin ng pagsabog ang compound ni Mayor Orduna sa Barangay Bugayong Street. Ayon kay Manongdo, wala namang nasugatan dahil nagkataon na wala si Mayor Orduna kung saan isang di-kilalang lalaki ang naghagis ng granada.

Magugunita na noong Disyembre 2012 ay humarap sa press briefing ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas si Mayor Orduna sa Camp Crame kung saan isinabit nito sa illegal na operasyon ng jueteng si Espino.

Samantalang, tinugon naman ito ng kampo ng gobernador na paninira lamang umano na dulot ng labanan sa pulitika ang nasabing akusasyon.

AYON

BARANGAY BUGAYONG STREET

BUGALLON

CAMP CRAME

CHIEF INSP

MAYOR ORDUNA

PANGASINAN GOVERNOR AMADO ESPINO

RYAN MANONGDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with