^

Probinsiya

Obrero kinatay dahil sa utang

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines - Buhay ang naging kabayaran sa pagkakautang ng isang obrero makaraang pagtulungang saksakin ng dalawa nitong kapitbahay sa Barangay San Francisco, bayan ng Lopez, Quezon kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Victor Navarro, habang naaresto naman ang mga suspek na sina Edwin Arceo at Emmanuel Buenaobra. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-8-30 ng gabi nang lapitan at singilin ng dalawang suspek na lango sa alak ang biktimang nakatayo sa labas ng kanyang bahay. Ayaw namang magbayad ng biktima kung saan ikinatuwiran nito nawala siyang pera at bigyan ng panahon upang makapag-ipon. Nagalit ang mga suspek at pinagsasaksak ang biktima hanggang sa duguang bumulagta.

AYAW

AYON

BARANGAY SAN FRANCISCO

BUHAY

EDWIN ARCEO

EMMANUEL BUENAOBRA

KINILALA

LOPEZ

NAGALIT

VICTOR NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with