^

Probinsiya

Bangka lumubog: 5 patay, 2 nasagip

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nilamon ng tubig-­ilog ang limang sibilyan habang dalawang iba pa ang nasagip makaraang lumubog ang kanilang bangka sa Pampanga River ng Barangay Sto. Tomas, bayan ng San Luis, Pampanga noong Martes ng hapon.

Sa ulat ni P/Chief Insp. David Arsega na nakarating sa Camp Crame, unang narekober ang bangkay ni Alvin Guevarra, 32, ilang oras matapos lumutang sa ilog.

Samantala, magkakasunod namang narekober kahapon ang mga bangkay nina Rhea Guevara, misis ni Alvin; Aldrey, 7, anak ng mag-asawang Guevara; Jovelyn Guevara, 7, pamangkin ng mag-asawa; at si Nigel Ray Lucero, 9.

Kinilala ang dalawang nasagip ng search and rescue team na sina Michael Galaredo, 34; at Lenard Siesa.

Base sa imbestigas­yon, bandang alas-2:30 ng hapon kamakalawa nang lumubog ang bangkang sinasakyan ng mga biktima sanhi ng malakas na agos sa ilog.

Nabatid na nagkatuwaan ang mga batang sakay ng maliliit na bangka para mag-swimming nang makasalubong ang trahedya.

Ayon pa sa police report, sinasabing masyadong malikot sa bangka ang mga biktimang bata kaya tumagilid ito hanggang sa lumubog. Pinaniniwalaan namang overloaded ang maliit na bangka kaya lumubog.

ALVIN GUEVARRA

BARANGAY STO

CAMP CRAME

CHIEF INSP

DAVID ARSEGA

JOVELYN GUEVARA

LENARD SIESA

MICHAEL GALAREDO

NIGEL RAY LUCERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with