Sabungero nilikida ng tandem
CAMARINES NORTE, Philippines - Niratrat at napatay ang 36-anyos na sabungero ng riding-in-tandem assassins sa bahagi ng Purok 4, Barangay Malasugui sa bayan ng Labo, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni PO3 Glenn Aguitong, bago naganap ang pamamaril, nagkasagutan ang biktimang si Aler Aguilar at dalawang di-kilalang lalaki kaugnay sa pustahan sa sabungan noong nakalipas na linggo. Gayon pa man, umalis na lamang ang dalawang sabungero subalit habang nakikipag-usap ang biktima sa kapitbahay sa harapan ng tindahan ay nilapitan at pinagbabaril ito ng tandem.
- Latest


















