^

Probinsiya

Farm owner kinatay, pinugutan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 60-anyos na farm owner matapos itong pagtatagain ay pinugutan pa ng berdugong di-kilalang lalaki kamakalawa ng hapon sa bahagi ng Barangay Tumitus, Zamboanga City.

Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp Ariel Huesca na isinumite sa Camp Crame,  naganap ang pamamaslang bandang alas-2:30 ng hapon sa may ilang metro ang layo sa farm ng biktimang si Marino Guevarra ng Sitio Tungalip sa nabanggit na barangay.

Ang pugot na ulo ng biktima ay natagpuan sa madamong bahagi na may 15-metro ang layo sa katawan nito.

Nabatid na kagagaling lamang ng biktima sa pagbisita sa pag-aari nitong farm kung saan pauwi na ito nang harangin ng di-kilalang lalaki.

Pinagtataga ang biktima na hindi pa nakuntento ay tinagpas pa ang ulo nito saka nagmamadaling tumakas sa crime scene.

BARANGAY TUMITUS

BIKTIMA

CAMP CRAME

CHIEF INSP ARIEL HUESCA

FARM

MARINO GUEVARRA

NABATID

PINAGTATAGA

SITIO TUNGALIP

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with