Kampo ng militar, niratrat
MANILA, Philippines - Niratrat ng mga rebeldeng New People’s Army ang kampo ng militar kung saan nasugatan ang poultry owner sa panibagong paghahasik ng terorismo ng mga rebelde sa Barangay Bangbang, bayan ng Medina, Misamis Oriental kahapon ng umaga. Sa ulat ni Lt. Col. Eugenio Julio Osias IV, bandang alas-8:45 ng umaga ay niratrat ng mga rebelde ang command post ng 58th Infantry Battalion ng Phil. Army. Nadamay naman ang poultry na may ilang metro lamang ang layo sa kampo ng militar kung saan tinamaan ng ligaw na bala sa tiyan ang may-ari na si Virgilio “Tatay Beloy†Legazpi na naisugod sa Bagong Lipunan Hospital. Gayon pa man, nakasagupa ng pinagsanib na puwersa ng 5th Scout Ranger Co. at 2nd Scout Ranger Battalion ang papatakas na mga rebelde sa Brgy. Dalwagan, Malaybalalay City kung saan napatay ang isang NPA.
- Latest