^

Probinsiya

Tinedyer nabuntis ang gf, nagbigti

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Pinaniniwalaang problema sa pananalapi at di-inaasahang pagbubuntis ng kasintahan, nagpasalubong na lamang kay kamatayan ang 18-anyos na binata matapos itong magbigti sa likuran ng kanilang tahanan kahapon ng umaga sa Barangay Banay Banay sa bayan ng Amadeo, Cavite.

Bandang alas-7 ng umaga nang matagpuang nakabitin ang biktimang si Michael Magdamit, helper sa pribadong kompanya, ng Sitio Pulong Katyog sa nasabing barangay.

Huling namataang buhay ang biktima na nakikipag-inuman sa dalawang tiyuhin na sina Bernard Publico at Salvador Ortacio kung saan naikuwento nito ang matinding problema na maagang pagbubuntis ng kanyang girlfriend.

Gayon pa man, pinayuhan ng dalawang tiyuhin ang biktima kung saan pinalubag ang loob nito na kakayanin ang nasabing problema.

Inakala naman nina Publico at Ortacio na napayapa ang biktima sa kanyang problema hanggang sa magpaalam na ito na uuwi kung saan kinaumagahan ay natagpuan ng amaing si Roberto Morundo ang katawan ni Michael na nakabitin sa punung kahoy sa likuran ng kanilang bahay.

vuukle comment

AMADEO

BANDANG

BARANGAY BANAY BANAY

BERNARD PUBLICO

CAVITE

GAYON

MICHAEL MAGDAMIT

ROBERTO MORUNDO

SALVADOR ORTACIO

SITIO PULONG KATYOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with