^

Probinsiya

Indian trader utas sa holdaper

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay ang negosyanteng Bumbay matapos na pagbabarilin ng dalawang armadong holdaper sa Barangay VI-E, San Pablo City, Laguna kamakalawa ng gabi. Idineklarang sa ospital matapos tamaan ng bala ng baril sa dibdib ang biktimang si Sonil Singh ng City Subdivision, IB sa nasabing lungsod. Nabatid na naglalakad sa loob ng Barleta Subd. ang biktima matapos na mangolekta sa negosyo nitong 5-6 na pautang nang harangin ng dalawang armadong lalaki. Nagdeklara ng holdap ang dalawa pero nanlaban ang biktima na tumangging ibigay ang pitaka nito na naglalaman ng malaking halaga mula sa kaniyang negosyong money lending. Nairita ang dalawa na agad namang pinagbabaril ang biktima at pagbagsak nito sa lupa ay puwersahang tinangay ang wallet nito, alahas at cell phone.

vuukle comment

BARLETA SUBD

BUMBAY

CITY SUBDIVISION

IDINEKLARANG

NABATID

NAGDEKLARA

NAIRITA

NAPATAY

SAN PABLO CITY

SONIL SINGH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with