3 kumidnap sa trader, arestado
BULACAN, Philippines – Tatlo sa sampung miyembro ng kidnap-for-randog gang ang naaresto ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na magkahiwalay na operasÂyon sa Barangay Sapang Putik at Barangay Sublic sa bayan ng Baliwag, Bulacan, ayon sa ulat ng pulisya.
Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Azenith Briones, 32; Ricardo Hovilla Jr., 23, kapwa nakatira sa Brgy. Subic, Baliwag, Bulacan; at si Manuel Atencio, 46, ng Brgy. Pescadores, Candaba, Pampanga.
Samantala, pinaghahanap naman ang iba pang suspek na sina Andy Turla ng Brgy. Mapaniki, Candaba, Pampanga; Raymond Inano ng Brgy. Pala-Pala sa San Ildeponso; Guilbert Tambot, isang alyas Dencio, alyas Jay ng Brgy. Mapaniki, Candaba, Pampanga at dalawang iba pa.
Sa ulat ni P/Senior Supt. Joel Orduña, kinidnap ang biktimang si Emerson Magadia ng Brgy. Sapang Putik sa bayan ng San Ildeponso, Bulacan noong Huwebes ng umaga (Pebrero 14).
Matapos nakapagbigay ng P12-milyong ransom ang mga kaanak sa mga kidnaper ay pinakawalan ang biktima kung saan nakipag-ugnayan ito sa pulisya.
Narekober sa mga suspek ang cal.45 pistol, mga bala, dalawang sachet ng shabu, at mga personal na gamit ng biktima.
- Latest