9-anyos ni-rape ng 15-anyos
MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang dahilan sa panonood ng malalaswang babasahin, ginahasa ng isang 15-anyos na binatilyo ang isang 9-anyos na batang babae sa isang maisan sa Brgy. Poblacion Bajo, Sergio Osmeña, Zamboanga del Norte kamakalawa ng hapon.
Ang biktima na itinago sa pangalang Mayette ay sinamahan ng kaniyang amang si Bobot Alumbro, 40-anyos sa himpilan ng pulisya upang i-report ang insidente.
Sa ulat , sinabi ni Chief Inspector Ariel Huesca, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang insiÂdente sa gitna ng maisan sa Poblacion Bajo, Sergio Osmeña ng lalawigang ito bandang alas-3:30 ng hapon.
Bago ang insidente ay naligo umano ang biktima kasama ang nakababata nitong kapatid na 8-anyos na batang lalaki sa isang sapa may 2 kilometro ang layo sa kanilang tahanan ng dumating ang suspek at tuksuhin pa ang mga ito.
Samantalang habang pauwi na ay hinarang umano ng suspek ang biktima sa gitna ng maisan at hinalay habang nagawa namang makatakbo ng kapatid nito.
Inaresto naman ng mga operatiba ng pulisya ang binatilyong suspek na nakatakdang iturnover sa kustodya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahilan isa itong menor-de-edad.
- Latest



















