^

Probinsiya

P1.8-M nalimas sa lotto outlet

Joy Cantos at Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa P1.8 milyon ang natangay ng pitong armadong kalalakihan matapos holdapin ang outlet ng lotto sa Barangay Kagitingan, Baguio City noong Huwebes ng hapon.

Sa panayam, sinabi ni Baguio City PNP director P/Senior Supt. Jesse Cambay, ang mga suspek ay nagpanggap na tataya sa lotto bandang alas-2:30 ng hapon pero paglapit sa teller ay nagdeklara ng holdap saka mabilis na nagsitakas tangay ang malaking halaga.

Gayon pa man, duda naman ang may-ari ng lotto outlet na si Dexter See sa sinasabing panghoholdap dahil naganap ang insidente sa kasagsagan ng tayaan ng mga mahihilig sa lucky number games.

Samantala, umaabot lamang sa P60,000  hanggang P70,000 ang kinikita sa isang araw na taya sa lotto kung saan ang sinasabing P1.8 mil­yon ay ilang araw na nitong kita na dapat ay naibangko kaagad tulad ng bilin ni See sa kaniyang mga kawani.

Iniimbestigahan naman ng pulisya ang anggulong inside job sa pagkawala ng perang kinita ng nasabing lotto outlet. 

Samantalang ipinatawag na rin ng pulisya  ang mga kawani na nangangasiwa sa lotto outlet  para isalang sa pagsisiyasat.

vuukle comment

BAGUIO CITY

BARANGAY KAGITINGAN

DEXTER SEE

GAYON

HUWEBES

INIIMBESTIGAHAN

JESSE CAMBAY

LOTTO

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with