Spokesman ng tribo, binoga
MANILA, Philippines - Pinagbabaril nang malaÂpitan at napaslang ng hindi pa nakilalang nag-iisang armaÂdong salarin ang tagapagsalita ng Boracay Ati Tribal Organization (BATO) sa naganap na karahasan sa Brgy. Manoc-Manoc II, Boracay Island, Malay, Aklan nitong Biyernes ng gabi.
Dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang kinilalang si Dexter Condez, 26-anyos, residente ng Brgy. Manoc-Manoc sa nasabing isla.
Ayon kay Police Regional Office (PRO) 6 Director P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., bandang alas-9:08 ng gabi habang pauwi na ang biktima galing sa pagpupulong sa Brgy. Balabag at naglalakad sa nasabing lugar nang mangÂyari ang insidente.
Sa imbestigasyon ng BoÂracay Tourist Police Assistance Center (BTPAC), kaÂsaÂÂÂlukuyang naglalakad ang biktima nang bigla na lamang itong sundan ng hindi pa nakilalang salarin at pagbabarilin ng walong beses na siya nitong dagliang ikinasawi.
Mabilis namang tumakas ang salarin na sinamantala ang pagkakagulo ng mga turista sa nasabing isla. NaÂrekober naman ng mga nagÂrespondeng elemento ng BTPAC ang mga basyo ng bala ng hindi pa natukoy na kalibre ng baril.
Pinaniniwalaan namang alitan sa lupain ang motibo ng krimen.
- Latest