2 itinumba sa inuman
BULACAN, Philippines – PinaÂbulagta ang dalawang obrero lalaki matapos itong ratratin at saksakin ng kanilang kainuman sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa Bulacan kamakalawa. Si Harley De Lara, 18, machine shop helper, ng Brgy. Catmon, Malolos City ay pinagbabaril ng mga kainumang sina Acsanor Tuano ng Brgy. San Vicente; Azrap Tuano, Azlani Jaafar, Nym Nea Dhen Tuano.
Nasakote si Acsanor subalit nakatakas naman ang iba pang suspek maÂtapos isagawa ang krimen sa Calavazee Restobar sa Capitol View Park sa Brgy. Catmon.
Samantala, si Jerry Domores ng JS Rice Mill, ng Brgy. San Juan sa bayan ng Balagtas ay sinaksak sa dibdib at napatay ng suspek na si Jayson Mantak maÂtapos magtalo habang umiÂinom ng alak sa Brgy. San Juan sa bayan ng Balagtas.
- Latest