Suspek sa Maguindanao massacre utas sa shootout
MANILA, Philippines - Napaslang ang isa sa mahigit 100 suspek sa karumaldumal na Maguindanao massacre na kumitil ng buhay ng 57 katao noong 2009 matapos itong manlaban sa mga awtoridad habang isa pa ang naaresto sa isiÂnagawang operasyon sa lalawigan ng Maguindanao nitong Biyernes ng hapon.
Kinilala ni Sr. Supt MeÂlecio Mina, Chief ng Criminal Investigation and Detection Group sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang nasawing suspek na si Maguid Amil, 42 anyos.
Bandang alas-2 ng haÂpon, ayon sa opisyal ng magtungo ang mga opeÂratiba ng CIDG, Army’s 1st Mechanized Infantry BattaÂlion upang isilbi ang warrant of arrest laban kay Amil sa Datu Unsay, Maguindanao.
Si Amil ay kabilang sa may 196 Private Armed Groups (PAGs) na inorganisa ng maimpluwensyang angkan ni dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. upang isagawa umano ang maduÂgong massacre sa mga kalaban ng mga ito sa pulitika.
Sinabi ng opisyal na sa halip na sumuko ay nagÂhagis ng granada si Amil sa mga law enforcers na mabuti na lamang at hindi pumutok.
Dito na nagpaputok ng kaniyang cal .45 pistol ang suspek sa arresting team na nagresulta sa palitan ng putok sa magkabilang paÂnig hanggang sa duguang bumulagta ang target na idineklarang dead-on-arrival sa Maguindanao Provincial Hospital.
Sa isa pang operasyon, bandang alas-4 naman ng hapon ng masakote ang isa pang suspek sa MaguindaÂnao massacre na si Nasser Guia, 45-anyos sa Datu Odin Sinsuat, MaguindaÂnao. Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu naman ni Quezon City Regional Trial Court (RTC ) Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes.
- Latest