Vice mayor nanumpa bilang mayor
SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines - Pormal nang nanumpa bilang mayor ang bise alkalÂde ng Maconacon, Isabela bilang kapalit ng napaslang na si Mayor Erlinda Domingo.
Ito ay matapos na maÂnumpa sa tanggapan ni Isabela Gov. Faustino “Bojie†Dy III si Maconacon Vice Mayor Jolly Taberner, 56, bilang bagong talagang alkalde noong Miyerkules.
Maliban kay Taberner ay nanumpa rin at itinalaga naman si 1st councilor Rolly Quebral bilang vice mayor sa nabanggit na bayan.
Si Taberner ay mananatiling mayor sa bayan ng Maconacon hanggang sa matapos ang terminong iniwanan ng pinaslang na si Mayor Domingo.
Gayon pa man, babalik din bilang vice mayor si TaÂberner kung saan unopposed ang kanyang kandidatura sa vice mayoralty race sa nalalapit na eleksyon sa Mayo.
Matatandaan na nitong Enero 2013 ay pinagbabaril at napatay si Mayor Domingo sa Quezon City na kakandidato uli sana bilang alkalde sa Maconacon.
Samantala, humalili naman si Liezel Domingo-Vicente, panganay na anak ni Domingo bilang kapalit ng kanyang yumaong ina para makatunggali ang negosÂyanteng si Walter Villanueva sa 2013 eleksiyon.
- Latest