^

Probinsiya

Bahay ng lider ng pyramiding scam pinagbabaril, sundalo utas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang sundalo matapos na paulanan ng bala ng hindi pa nakilalang motorcycle riding-in-tandem gunmen ang tahanan ni Jacob “Coco” Rasuman, isa ring lider ng pyramiding scam sa naganap na karahasan sa Brgy. Panggao Saduc, Marawi City, Lanao del Sur kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Pfc Oward John Abellana, miyembro ng Army’s 65th Infantry Battalion (IB) na nakatalagang bantay sa tahanan ni Rasuman.

Sa ulat ng Marawi City Police, naganap ang insi­dente bandang alas-11 :45 ng umaga habang nagbabantay ang nasabing sundalo sa bahay ni Rasuman.

Si Rasuman, ay isa ring pyramiding scam boss na kaalyado ni Emmanuel Amalilio­ na nahuli sa Malaysia at nasa kustodya ng mga pulis doon bunga ng kinakaharap rin nitong hiwalay na mga kasong kriminal.

Ayon sa imbestigasyon, sinabi ni SPO1 Ali Rangiris na matapos na pagbabarilin ang gate ng tahanan ni Rasuman kung saan bumulagta si Abellana ay kinuha pa ng mga suspek ang M14 rifle nito saka mabilis na tumakas sa lugar.

Sa kasalukuyan, nasa kustodya ng National Bureau of Investigation si Rasuman na inaresto noong Nob­yembre 27, 2012 matapos  na magawa ring makatangay ng bilyong halaga ng in­vestment sa mga nabiktima nito.

 

ALI RANGIRIS

EMMANUEL AMALILIO

INFANTRY BATTALION

MARAWI CITY

MARAWI CITY POLICE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PANGGAO SADUC

PFC OWARD JOHN ABELLANA

RASUMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with