^

Probinsiya

4 NPA tumba sa bakbakan

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines  â€“ Apat na rebeldeng New People’s Army (NPA) ang iniulat na napatay makaraang makasagupa ang tropa ng militar sa masukal na bahagi ng Brgy. Langilang, Abra ayon sa ulat kahapon. Ayon kay Col. Loreto Magundayao, hepe ng civil-military operations battalion ng 5th Infantry Division sa bayan ng Gamu, Isabela, mismong mga residente ang nakakita sa mga rebelde na bitbit ang apat nilang kadre na nasawi habang papatakas matapos ang madugong sagupaan. Naganap ang sagupaan sa pagitan ng tropa ni 1Lt. Ronnel Legarde ng 41st Infantry Battalion at grupo ng Kilusang Larangang Gerilya na kumikilos sa Abra. Narekober ng mga sundalo ang isang M16 rifle, handheld radio, mga kitchen utensils at iba pang subersibong dokumento.

ABRA

APAT

AYON

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

ISABELA

KILUSANG LARANGANG GERILYA

LORETO MAGUNDAYAO

NEW PEOPLE

RONNEL LEGARDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with