^

Probinsiya

Lolo tinodas sa b-day ng apo

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Bumulagta ang 60-anyos na lolo matapos ratratin ng kanyang kainuman sa kaarawan ng kanyang apo sa liblib na bahagi ng Sitio Marantan, Barangay Bagu sa bayan ng Abulug, Cagayan kamakalawa.

Naisugod pa sa Ballesteros District Hospital subalit namatay din ang biktimang si Tomas Hipolito, mangingisda at nakatira sa bayan ng Luna, Apayao habang tinutugis ng pulisya ang suspek na si Terry Marantan, 33.

Samantala, sugatan naman ang lolang si Virgina Oliva, 72, matapos tamaan sa ulo ng ligaw na bala kung saan naisugod sa Cagayan Valley Medical Center.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagkainitan ang biktima at suspek sa inuman na nauwi sa pamamaril.

Nagkagulo at nagsitakbuhan ang mga bata na dumalo sa children’s party matapos umalingawngaw ang serye ng putok ng baril habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

ABULUG

APAYAO

BALLESTEROS DISTRICT HOSPITAL

BARANGAY BAGU

BUMULAGTA

CAGAYAN VALLEY MEDICAL CENTER

SITIO MARANTAN

TERRY MARANTAN

TOMAS HIPOLITO

VIRGINA OLIVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with