Lola tiklo sa buy-bust

NUEVA VIZCAYA, Philippines  â€“ Rehas na bakal ang binagsakan ng 51-anyos na lola matapos itong masakote ng pulisya  sa inilatag na buy-bust operation sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Merla Santa Maria ng  Purok 7, Bonfal West sa nabanggit na bayan. Batay sa ulat, si Merla ay naaktuhang nagbebenta ng bawal na droga sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer. Isinugod sa Veterans Regional Hospital ang suspek matapos tumaas ang presyon ng dugo dahil sa pagkakaaresto sa kanya. Nasamsam sa suspek ang P1,000 marked money at isang plastic sachet na shabu.

Show comments