Vulcanizer napugutan

BULACAN, Philippines  â€“ Maagap si kamatayan laban sa 20-anyos na vulcanizer na napugutan matapos itong mabagsakan ng tire rim lock sa vulcanizing shop sa naganap na freak accident kahapon ng umaga sa Barangay  Sta. Clara sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Edgar Molleda, tubong Camarines Sur at stay-in worker sa MJB vulcanizing shop  sa nabanggit na barangay. Sa imbestigasyon ng pulisya. Lumilitaw na  kinukumpuni ng biktima ang gulong ng owner-type jeep ay biglang bumigay ang tire rim lock kung saan tumama sa leeg nito at napugutan. Wala namang nakitang foul play ang mga imbestigador ng pulisya sa naganap na sakuna.

 

Show comments