400 loose firearms sa Isabela
ILAGAN CITY, Philippines – Umaabot sa 400 loose firearms na pag-aari ng pamahalaang lalawigan ng Isabela na itinalaga sa mga opisyal mula sa dalawang nakaraang administrasyon ang tinutuntun ngayon ng pulisya.
Ito ang pahayag ni Isabela PNP Director P/Senior Supt. Franklin Mabanag na sinisiyasat nila ang status ng 390 Turkish-made shotguns na itinilaga noong pamunuan ni Gov. Faustino Dy Jr., sa mga opisyal ng barangay para sa seguridad ng kanilang lugar noong kasagsagan ng pananalasa ng mga rebeldeng New People’s Army sa kanayunan.

Karamihan sa mga tumanggap aniya ay hindi na nakaupo sa puwesto.
Bukod sa mga shotgun ay may 43-high-powered Israeli-made Galil assault rifles naman ang itinalaga ng dating administrasyon ni Gob. Grace Padaca sa ilang piling opisyal ng probinsiya, ayon kay Mabanag.

Bagamat lehitimo ang mga armas na pag-aari ng proÂbinsya, sinabi ni Mabanag na ina-update ng pulisya ang kalagayan mula sa masterlist ng Provincial General Services Office upang maseguro na ang mga baril ay nasa mabuting kamay.
- Latest