^

Probinsiya

20 nalason sa tubig-balon

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines  â€“ Umaabot sa 20-katao ang iniulat na nalason matapos uminom ng tubig-balon na sinasabing kontaminado ng pestisidyo noong  Huwebes sa Barangay Peñablanca, Cagayan. Sa pahayag ni Peñablanca Mayor Marilyn Taguinod, pinaniniwalaang nasipsip ng tubig sa mga Barangay ng Lupi at Minanga ang sinasaboy ng mga magsasaka na pestisidyo at herbicide sa kanilang pananim sa kabundukan. Ayon sa alkalde, malaking posibilidad na inaanod ng tubig ulan ang lason patungo sa mga balon na nasa mababang lugar sa dalawang barangay. Ang mga biktima ay dumanas ng pagkahilo, pagsusuka, pananakit ng tiyan at pagdudumi kaya isinugod sa mga pribadong pagamutan na babalikatin ng munisipyo ang pagpapagamot.

vuukle comment

AYON

BARANGAY

BARANGAY PE

HUWEBES

LUPI

MAYOR MARILYN TAGUINOD

MINANGA

UMAABOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with