^

Probinsiya

Mga mamamahayag pinagbawalan sa turnover command ng Quezon PNP

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Quezon, Philippines  - Pormal nang nanungkulan kahapon bilang officer-in-charge ng Quezon PNP provincial office si P/Senior Supt. Dionardo Carlos kapalit ni P/Senior Supt. Valeriano de Leon na sinibak dahil sa Quezon incident.

Tanging mga hepe ng pulisya mula sa 39- bayan at dalawang lungsod lamang ang sumaksi sa turn-over of command dahil hindi pinayagan ang mga mamamahayag na pumasok sa conference room.

Nauna ng inilabas noong Martes ni PNP Chief Director Allan Purisima ang relief order ni de Leon sa gitna ng imbestigasyon kaugnay sa sinasabing rubout laban sa 13-katao na napaslang sa Barangay Tanauan, Atimonan, Quezon.

Umaasa naman ang mga mamamahayag sa Quezon na muling manunumbalik ang magandang relasyon sa pagitan ng dalawang organi­sasyon na nagkaroon ng lamat sa panahon ni `P/Senior Supt. de Leon.

May walong buwan ding hindi nakakakuha ng sapat na impormasyon ang mga mamamahayag sa tanggapan ni de Leon kaugnay sa mga accomplishment nito.

Maging ang sinasabing rubout noong Linggo  ng hapon ay halos mangalap ang mga mamamahayag ng tamang detalye.

 

ATIMONAN

BARANGAY TANAUAN

CHIEF DIRECTOR ALLAN PURISIMA

DIONARDO CARLOS

LINGGO

NAUNA

QUEZON

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with