^

Probinsiya

Party niratrat, grinanada: 2 utas; 4 grabe

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - Nabahiran ng dugo ang masayang house blessing matapos na pagbabarilin at mapatay ang dalawa-katao kabilang ang may-ari ng bahay bago grinanada pa ng mga ‘di-kilalang kalalakihan na lulan ng motorsiklo sa panibagong karahasang naganap sa Barangay Caingin sa bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa mga napatay ay sina Raymond Samson 27, ng Barangay Sta. Ana sa bayan ng Bulakan, Bulacan at Mario Mendoza, 37, may-ari ng bahay, negosyante ng darak.

Samantala, kritikal naman sina Raul Samonte, 48, ng RNB, Brgy. San Juan, Balagtas, na posibleng maputulan ng dalawang binti; Valeriano Nicolas, 46, ng Barangay Caingin, Bocaue; Reynaldo Dela Cruz, 32, ng Barangay Balubad, Bulakan at si Alberto Alberto, 36, ng Brgy. Santol, Balagtas.

Himala namang nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang 10-anyos na anak ni Mendoza at ka-live-in si May Salazar, 35, kapwa nakatira sa Barangay Caingin.

Sa imbestigasyon ni P03 Kim Salvatierra, inanyayahan ng may-ari ng bahay ang mga biktima para sa kanyang house blessing na isinabay sa kapistahan ng Tatlong Hari.

Gayon pa man, ha­bang nagkakasiyahan at salu-salong kainan at inuman ay umalingaw­ngaw ang sunud-sunod na putok ng baril kung saan bumulagta ang mga biktima at hindi pa kontento ay grinanada pa ang  nasabing bahay.

Narekober sa crime scene ang 7-basyo  basyo ng bala cal. 45 pistol, mga bahagi ng sumabog na granada, isang sachet ng shabu at drug paraphernalia na narekober sa bulsa ni Samson. Dagdag ulat ni Joy Cantos

 

vuukle comment

ALBERTO ALBERTO

BALAGTAS

BARANGAY BALUBAD

BARANGAY CAINGIN

BARANGAY STA

BOCAUE

BRGY

BULACAN

BULAKAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with