^

Probinsiya

Barangay chairman pinatatalsik

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

RIZAL, Philippines  â€“ Pinaniniwalaang kahalintulad ng kaso sa Cebu City ang naganap na insi­dente sa isang barangay kung saan nanindigan ang barangay chairman na manatili sa barangay hall ng San Luis, Antipolo City, Rizal matapos isilbi ang suspension order ng Sangguniang Panlungsod kamakalawa ng umaga.

Nananatili sa barangay hall si Chairman Atty. Andrei Zapanta kasama ang mga supporters habang nakaantabay naman ang crowd control unit ng pulisya sa anumang magaganap na karahasan.

Napag-alamang tinangka ng ilang barangay kagawad na pasukin ang barangay hall upang ilatag ang suspension order laban kay  Atty. Zapanta subalit hindi ito pumayag na umalis sa kanyang opisina.

“They are trying to enforce a decision which has not become final and executor,” pahayag ni Zapanta. 

Dahil ang nakalagay sa City Ordinance 94-2001 ay magte-take effect pa after 15 days from receipt of decision. Up to now po wala pa akong natatanggap ng desisyon kaya itong 15-day period ay hindi pa nagsisimula,” paliwanag pa Atty. Zapanta.

May hawak na temporary restraining order (TRO) si Atty. Zapanta na inisyu ni Judge Ruth Cruz-Santos ng Antipolo City Regional Trial Court na petsang Enero 2, 2013.

“Ang mga pangyayari ngayon ay malinaw na political harassment sa aming parte dahil sa kasama ako sa mga nanindigan na sumama sa Punong Lungsod Nilo Leyble upang labanan o ipagtanggol ang karapatan ng mga mamamayan ng Antipolo,” dagdag pa ni Atty. Zapanta.

 

ANDREI ZAPANTA

ANTIPOLO CITY

ANTIPOLO CITY REGIONAL TRIAL COURT

CEBU CITY

CHAIRMAN ATTY

CITY ORDINANCE

JUDGE RUTH CRUZ-SANTOS

PUNONG LUNGSOD NILO LEYBLE

ZAPANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with