^

Probinsiya

Pulis pinabulagta ng kabaro

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - Napaslang ang dating pulis-Maynila matapos itong pagbabarilin ng  kanyang kapwa pulis habang nagwawala at nanutok ng baril sa Barangay Duhat sa bayan ng Bocaue, Bulacan kahapon ng umaga.

Bulagta sa pinangyarihan ng krimen si P03 Rommel Fortuno, 39, dating nakatalaga sa MPD-Station 7 sa Jose Abad Santos, Manila at nakatira sa Barangay Raxa Bago sa Tondo, Manila.

Sumuko naman ang nakabaril na si P02 Virgilio Manuzon 31, ng PNP-Provincial Public Safety Company sa 3rd Maneuver Platoon, Barangay Turo, Bocaue.

Sa ulat ni P/Supt. Diosdado Iniego, lumilitaw na nagwala ang biktima sa bahay ng dating ka-live-in na si Cindy Laguardia matapos makipag-usap kung saan nagawa pang saktan at tutukan ng baril ang kanyang kinakasama.

Gayon pa man nakahingi ng tulong si Cindy kay P02 Manuzon kung saan inakalang totohanin ang bantang babarilin ang babae kaya inunahan na nitong ratratin ang biktima.

Base sa tala ng pulisya, si Fortuno ay idineklarang AWOL dahil sa pagkakapatay kay SP01 Rodrigo Cortez ng Highway Patrol Group-NCR noong Perbrero 9, 2012 at pedicab drayber na si Kim Tanyog, 23, ng Brgy. Tayuman,Tondo, Manila.

vuukle comment

BARANGAY DUHAT

BARANGAY RAXA BAGO

BARANGAY TURO

BOCAUE

CINDY LAGUARDIA

DIOSDADO INIEGO

HIGHWAY PATROL GROUP

JOSE ABAD SANTOS

KIM TANYOG

MANEUVER PLATOON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with