Totoy dedo, mag-aama grabe
TUGUEGARAO CITY, Philippines — Masyadong maaga ang salubong ni kamatayan sa 7-anyos na totoy matapos tumbukin ng van ang sasakyan nilang traysikel kung saan malubhang nasugatan ang kanyang ama at tatlo pang kapatid sa Barangay Mabibila Sur sa bayan ng Santa, Ilocos Sur noong Linggo. Hindi na nakaabot ng Bagong Taon ang biktimang si Nimas Gacutan Jr. samantalang kritikal naman ang ama nitong si Nimas Sr. at mga kapatid na sina Gerald, Jeremy at Marife. Lumalabas sa imbestigasyon na biglang nag U-turn ang driver ng van sa highway nang hindi napansin ang paparating na traysikel ng mga biktima. Sa lakas ng impact ay tumilapon ng ilang metro ang traysikel kung saan agad na tumakas ang nakabanggang driver ng van matapos ang insidente.
- Latest





















