Suspek sa rape, arestado
KIDAPAWAN CITY, Philippines — Arestado ang magsasakang pangunahing suspek sa kasong rape laban sa isang estudyante sa Barangay Poblacion sa bayan ng Carmen, North Cotabato kamakalawa. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Rustom Olivar ng nasabing barangay. Base sa police report, papauwi na ang biktimang itinago sa pangalang Kristina sa bayan ng Carmen nang sundan ng suspek bandang alas-3 ng madaling-araw. Tinyempuhan ng suspek na mapadako sa liblib na bahagi sa nasabing barangay bago hinarang at kinaladkad patungong eskuwelahan, binugbog, at minolestiya. Agad na nag-report ang biktima sa himpilan ng pulisya matapos ang krimen kung saan sa pangunguna ni SPO4 Pancho Bais ay naaresto ang suspek.
- Latest



















