Driver pumalag sa karnaper, inutas
MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang nanlaban kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang driver na pumalag sa notoryus na karnaper na tumangay sa kaniyang tricycle sa bahagi ng highway sa Barangay Darayday, Laoag City, Ilocos Norte kahapon ng madaling araw. Kinilala ang napaslang na si Nelson Palado ng Brgy. 48-B, Cabungaan sa nasabi ring lungsod. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-2 ng madaling araw nang makarinig ang ilang residente ng sunud-sunod na putok pero hindi nila pinansin sa pag-aakalang isa lamang uri ng paputok. Nakarating sa pulisya ang naganap na krimen matapos ipagbigay-alam ni Aldo de la Cuesta.
- Latest






















