^

Probinsiya

Top NPA rebel officer timbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumagsak sa mga ope­ratiba ng pulisya ang isang mataas na opisyal ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na nago-ope­rate sa Northern Luzon sa isinagawang operasyon sa Tuguegarao City, Cagayan nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni Police Regional Office (PRO) 2 Director P/Chief Supt. Rodrigo de Gracia ang nasakoteng lider ng NPA na si Rene Emondo Abiva.

Ayon kay de Gracia si Abiva ay nasakote ng mga intelligence operatives ng pulisya sa kahabaan ng Taft Street, Bagumbayan, Tuguegarao City ng lalawigang ito bandang alas-4:35 ng hapon.

Sinabi ni de Gracia na si Abiva ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte sa lalawigan ng Ifugao kaugnay ng kaso nitong kriminal.

Sa tala, si Abiva ay da­ting cadre at miyembro ng Regional White Area Committee ng CPP-NPA na kumikilos sa Cagayan Valley Region.

Nabatid na ang nasa­bing lider ng mga rebelde ay asawa ni Mildred Go­yagoy, dating kalihim ng Karapatan na nahaharap rin sa kasong murder kaugnay ng pananambang sa tropa ng pamahalaan sa lalawigan ng Ifugao noong nakalipas na Abril ng taong ito.

 

vuukle comment

ABIVA

CAGAYAN VALLEY REGION

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

GRACIA

IFUGAO

MILDRED GO

NEW PEOPLE

NORTHERN LUZON

POLICE REGIONAL OFFICE

TUGUEGARAO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with