400 taon simbahan nasunog
CAMARINES NORTE, Philippines – Nabahiran ng kalungkutan ang mga residente makaraang masunog ang isa sa tatlong pinakamatandang simbahan sa Camarines Norte sa katatapos na pagdiriwang ng Kapaskuhan sa bayan ng Vinzons, kahapon ng madaling araw.
Ang Parokya ni San Pedro Apostol na itinayo noong 1581 sa bayan ng Vinzons ay tila naging mala impiyerno sa lakas ng hangin dulot ng bagyong Quinta na isa sa dahilan kaya nahirapan ang mga pamatay-sunog na rumesponde kung saan nagsimula ang sunog bandang alauna y medya ng madaling araw.
Ayon kay Monsignor Francisco Regala, nagsimula ang sunog sa bahagi ng lumang kumbento na pinaniniwalaang nag-overheat sa Christmas light mula sa Day Care Center.
Kasama sa natupok ang imahe ni San Pedro Apostol at ilang rebulto ng santo sa loob ng simbahan, mga Christmas gift na nakatakda sanang ipamahagi ng parishioners kahapon.
Kabilang sa nagpaabot ng kalungkutan ang mga ikakasal sa araw ng Sabado para sa Kasalang Bayan habang aabot naman sa P10 milyong halaga ng ari-arian ang naabo.
Nakatakda namang magpaabot ng tulong si Governor Edgardo Tallado kay Monsgr. Regala upang alamin ang mga pangunahing pangangailangan ng nasabing simbahan.
- Latest