^

Probinsiya

5 tiklo sa shabu

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

KAMPO ALEJO SANTOS, Malolos City, Philippines  – Limang kalalakihan kabilang ang isang driver ng isang kilalang television network ang naaresto ng pulisya matapos na mahulihan ng shabu sa drug bust operation sa lungsod na ito kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina Armando Quintal, 38 anyos; Emilio Mendoza, 45; pawang sa Meycaua­yan City, Winston Luna, 37, dental technician ng  Valenzuela City, Larry Francisco 32, taga Sta. Maria at Elmer Mendoza, 35, driver ng ABS-CBN at residente ng Brgy. Bagong Barrio sa Pandi  ng lalawigan.

Base sa ulat ni P/Supt. Sydney Villaflor dakong alas-8:30 ng gabi habang nagsasagawa ng pagmamanman ang mga lokal na opisyal sa isang lugar sa Brgy. Bancal ay napansin nila sina Quintal at Luna na kahina-hinala ang ikinikilos na nagresulta sa pagkakasamsam sa dalawang sachet ng shabu habang naaresto din si Mendoza sa Brgy. Malhacan sa follow-up operation

Samantala dakong alas-8:55 ng gabi habang nagroronda ang mga barangay tanod ng Brgy. San Gabriel, Sta. Maria ay napansin ang kahina hinalang pagparada ng isang Nissan Urvan (ZLF-939) na may sticker ng ABS-CBN na may lulang dalawang lalaki sa madilim na bahagi sa isang lugar dito na naging dahilan upang agad na iulat sa pulisya ang nakita.

Nagresponde naman ang mga  tauhan ni P/Supt. Lailene Amparo at nahuli sa akto  sina Francisco at Mendoza na katatapos lamang magsagawa ng shabu pot session sa loob ng sasakyan.

vuukle comment

ARMANDO QUINTAL

BAGONG BARRIO

BRGY

ELMER MENDOZA

EMILIO MENDOZA

LAILENE AMPARO

LARRY FRANCISCO

MALOLOS CITY

MENDOZA

NISSAN URVAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with