^

Probinsiya

2 dedo sa killer truck

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang apat naman ang kritikal ang kalagayan matapos salpukin ng truck ang tindahan sa Barangay Alba sa bayan ng Baggao, Cagayan, ayon sa pulisya. Kinilala ng pulisya ang nasawing truck driver na si Maximo Gludobe Jr., 36, tubong Tarlac City at ang laborer na si Crisanto Javier ng EVI Construction na gumagawa ng road concreting project sa nasabing lugar. Kritikal naman na naisugod sa Cagayan Valley Regional Medical Center ang apat na sina Jerry Tapulao, Joel Vista, Manuel Soduesta at ang may-ari ng tindahan na si Imelda Ramos. Lumalabas sa imbestigasyon na pababa ang truck na kargado ng semento nang mawalan ng kontrol ang driver at nagtuluy-tuloy na sumalpok sa tindahan. Umaabot sa P.8 milyong halaga ng ari-arian ang napinsala.

BAGGAO

BARANGAY ALBA

CAGAYAN VALLEY REGIONAL MEDICAL CENTER

CRISANTO JAVIER

IMELDA RAMOS

JERRY TAPULAO

JOEL VISTA

MANUEL SODUESTA

MAXIMO GLUDOBE JR.

TARLAC CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with