^

Probinsiya

3 grinanada sa tindahan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Tatlo-katao ang iniulat na malubhang na­sugatan makaraang masabugan ng granada na inihagis sa tindahan ng coco lumber sa Brgy. Malabanban Norte sa bayan ng Candelaria, Quezon kamakalawa ng gabi. Nagtamo ng mga sugat sa hita at paa kung saan naisugod sa United Candelaria Doctors Hospital ang mga biktimang sina Bonifacio Basit, 42, negosyante; Marieta Ramirez, 32; at Efren Pitargue, 52. Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-6:10 ng gabi habang nasa Mayeth Coco Lumber Store ang mga biktima nang biglang may naghagis ng inaakala nilang molotov bomb. Makalipas ang ilang segundo ay umalingawngaw ang malakas na pagsabog na yumanig sa tindahan. Sa pagsisiyasat ni Capt. Noriel Alog, bomb expert ng AFP Solcom Camp Nakar, nabatid na isang MK2 hand grenade ang sumabog matapos marekober ang safety lever sa crime site.

BONIFACIO BASIT

BRGY

CANDELARIA

EFREN PITARGUE

MALABANBAN NORTE

MARIETA RAMIREZ

MAYETH COCO LUMBER STORE

NORIEL ALOG

SOLCOM CAMP NAKAR

UNITED CANDELARIA DOCTORS HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with