^

Probinsiya

Pinatalsik na mayor pinalitan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Quezon, Philippines - May bago nang mayor ang Lucena City makaraang pormal na manungkulan kahapon si Vice Mayor Ro­derick Alcala kapalit ng na­patalsik na si Mayor Barbara Ruby Talaga.

Si Provincial Comelec Atty. Allan Enriquez ang nag-serve ng writ of execution para makaupo si Alcala kung saan inasistehan ni DILG Regional Director 4A Josefina Castilla-Go at Quezon PNP Provincial Director Valeriano de Leon.

Ibinasura ng Supreme Court  ang motion for reconsideration na inihain ni Talaga.

Magugunita na unang nagpalabas ang Comelec ng En Banc resolution noong May 20, 2011 na nagpapatunay na hindi kinikilala ng Comelec ang naging substitusyon ni Barbara sa asawa nitong si Ramon Talaga Jr. matapos na mapatunayang hindi kwalipikado ang huli na kumandidato pang muli noong May 10, 2010 dahil sa three term rule limit.

Sa pinakahuling court en banc resolution ng Supreme Court sa G.R No.196804 na may petsang November 13, 2012 ay pinapawalang saysay ng Kataas-Taasang Hukuman ang inihaing petisyon ni Talaga.

Nakasaad din sa nasa­bing kautusan na hindi na tatanggap ng anumang pleadings o motions na maaaring ihain ng mga Talaga sapagkat malinaw na nakasaad sa dalawang pahinang desisyon na inilabas ng SC na Denied with Finality  na ang pinakahuling mosyon ng mga ito.

Manungnukulan namang Vice Mayor kapalit ni Alcala si Senior Councilor Ramil Talaga na anak ni Barbara.

 

ALCALA

ALLAN ENRIQUEZ

COMELEC

EN BANC

JOSEFINA CASTILLA-GO

KATAAS-TAASANG HUKUMAN

LUCENA CITY

MAYOR BARBARA RUBY TALAGA

SUPREME COURT

TALAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with