^

Probinsiya

Trader itinumba ng tandem

Pilipino Star Ngayon

CEBU CITY, Philippines – Napaslang ang 62-anyos na negos­yante matapos pagbabarilin  ng motorcycle-riding assassins sa harap ng kanyang tahanan sa Barangay Sta. Cruz- Sto. Niño sa bayan ng Balamban kamakalawa ng umaga.

Limang tama ng bala ng cal. 45 pistol  ang tumapos sa buhay ni Victor Awit Mapa, biyudo at may-ari ng drug store at merchandise store sa nasabing bayan.

Nabatid na papalabas ng bahay ang biktima para mag-jogging nang lapitan at ratratin ng riding –in-tandem.

Naisugod pa ng kanyang anak na si Joy ang ama sa Balamban Provincial Hospital subalit idineklara itong patay.

Narekober sa crime scene ang limang basyo ng cal.45 pistol.

Ayon kay PO2 Godo­fredo Dumdum, dalawang anggulo ang sinisilip ng pulisya ang anggulong land dispute.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay sinasabing pinamanahan ng kanyang tiyahin ng lupain dahil ito ang nag-iisang pamangkin na nakatira sa Balamban. Freeman News Service

AYON

BALAMBAN

BALAMBAN PROVINCIAL HOSPITAL

BARANGAY STA

CRUZ

FREEMAN NEWS SERVICE

GODO

LIMANG

NABATID

VICTOR AWIT MAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with