^

Probinsiya

Biyuda inutas ng kainuman

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SARIAYA, Quezon, Philippines – Bugbog sarado, may tama ng saksak sa panga at patay na ng matagpuan ang isang 51-anyos na biyuda na hinhinalang napagtripang patayin ng hindi nakikilalang kainuman nito sa Sitio Ilayang Balete, Brgy Sampaloc II sa bayang ito kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. Vilmor Manzano, Chief of Police dito ang biktima na si Eliza Sua, ng nasabing barangay.

Ayon kay SPO1 Noriel Banaag, dakong alas-7:00 ng umaga habang naglalakad si Reynaldo Magsino, umanoy lover ng biktima at kaibigan nitong si Anthony Cielo patungo sa bahay ng babae ay nakalanghap sila ng masangsang  na amoy buhat sa damuhan.

Nang tingnan nila ang pinagmumulan ng hindi magandang amoy ay nakita nila ang biktima na duguan at walang buhay na nakahandusay sa damuhan na may 25 metro lamang ang layo sa bahay nito.

Lumalabas sa ulat na bago natagpuang patay ang biktima ay huli itong nakitang buhay na nakikipag-inuman sa bahay ng kapitbahay na si  Julieta Ferera dakong alas-10:00 noong Nobyembre 22, 2012 at hindi na ito nakauwi sa kanilang bahay hanggang sa matagpuan ng patay.

vuukle comment

ANTHONY CIELO

AYON

BRGY SAMPALOC

CHIEF OF POLICE

ELIZA SUA

JULIETA FERERA

NORIEL BANAAG

REYNALDO MAGSINO

SITIO ILAYANG BALETE

VILMOR MANZANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with